Menu Close

Testimony by our supporter, friend and family – Pastor Jolan!

WE SUPPORT SBCHOME !

Ako po si pastor Jolan H. Manglicmot isa sa mga produktong Pastor Subic Bay Baptist Church na nagmimission sa Sta. Cruz Zambales ,ako po ay dumating sa Sbchome year 2012 bilang isang regular worker, naging livelihood worker, naging security guard, nagtrabaho as construction worker at isa sa mga naging house parent ng big boys, nais ko lamang pasalamatan ang SBChome dahil naging pagpapala sila sa aking buhay at patuloy pa na nagiging pagpapala ,salamat sa Diyos sa katauhan nila pastor Odek-Annalisa Valbuena ,Ms Analissa Valbuena , Ptr Teddy-Ligaya Fulfer at nanay ligaya sa pag mold sa akin upang maging pastor, dito ko lahat natutunan ang mga bagay na hindi ko natutunan sa kolehiyo at sa labas, dito ko naramdaman ang pagmamahal ng isang magulang sa anak, itinuring ako kadugo at kapamilya , and it breaks my heart na ang ministry na nag mold at naging blessing sa akin ay pinaparatangan ng mali at kasinungalingan, sa loob ng 14 years ko pamamalagi dito ay wala ako ni isa nasaksihan na minaltrato ang mga bata, inabuso at minolestiya or ginamit para yumaman ,buonh puso ko po na sinasabi na walang katotohanan ang lahat, dahil kung meron man ay ako na sana ang unang nagreklamo pero ni minsan hindi ko nakita at naranasan dito sa SBChome ang maling maling mali na paratang Dito sa gawain, at kung Pangit ang pamamalakad dito sana hindi rin naging pastor ang aking kapatid at hindi ko na sana siya dinala dito, nais ko lamang po iparating sa kinauukulan na kung ano ang pagmamahal ng mga pastor ko sa kanilang pamilya ay ganun din ang pagmamahal nila sa mga bata, hiling ko lamang po ay patas at masusing imbistigasyon para po sa aming Mahal na pastor ,hindi ko ito sinasabi dahil may napakinabangan ako sa kanila sinasabi ko ito kasi ito ay totoo at mismo nasaksihan ng aking mga bata, walang tinatago ang ministeryo ng SBChome buonh kumpiyansa kami na walang anomalyang nangyayari. Yun lamang po at alam ko ang Diyos ay Hindi bulag sa mga nararanasan namin dito ,isipin po natin ang kapakanan ng mga kabataan, Panalangin ko lang sa mga kinauukulan na magkaroon kayo ng relasyon sa Diyos ng sa ganun alam niyo po i execute ang right and True Justice sa mga taong deserve nito. Ang lahat ng aking sinabi ay buong puso ko po pinaninindigan.